#17 Pagpapalaya ng Mala-anghel na Santo Papa – Pransiya Muna
Ecstasya na may petsang Disyembre 6, 1874.
Si Marie-Julie Jahenny ay nakakita ng isang pangitain ng Ating Mahal na Ina at ng Ating Panginoon. Sila ay nagbibigay ginhawa sa Mala-anghel na Santo Papa na darating, ang pangitaing ito ay tumutukoy sa hinaharap na Tagumpay ng Kanyang Kalinis-Linisang Puso at ang Paghahari ng Sagradong Puso sa Pransiya. Ang Mala-anghel na Santo Papa ay palalayain ng Dakilang Monarko pagkatapos niyang iligtas ang Pransiya mula sa mga kaaway nito.
Ating Mahal na Ina: “Aking Anak, magtiis ng may pasensya. (Ang Banal na Mala-anghel na Santo Papa na darating). Sa lalong madaling panahon Aking pagpapalain ang iyong mga tanikala at aalisin kita palabas mula sa mga malalaking pagsubok at mga tinik na sumasalakay sa iyo, dahil ikaw ay babalutan sa liryo (sa ibang salita: Ang Dakilang Monarko, at ang mga prinsipe ng liryo). Aking Anak, matagal ka nang namumuhay sa tanikala sa gitna ng paninirang-puri at pag-uusig, oras na para Aking basagin itong mga tanikala at Aking wasakin ang templo ng mga walang pananampalataya na nakapalibot sa iyo. Aking anak, narito ang Aking Puso na dumarating upang iligtas ka mula sa mga kamay ng mga barbaro at lilituhin silang lahat. Ako ay pumarito upang bigyan ka ng isang pinaka maluwalhating trono kung saan ikaw ay maghahari hanggang sa iyong kamatayan.”
At ang Mahal na Birhen ay nagdagdag:
“Ang Aking Dibinong Anak ay ililigtas ka, ngunit sa pamamagitan ko. Aking anak maaliw, ang oras ng iyong pagliligtas ay nalalapit na. Alamin na Ako ay magtatagumpay sa Pransiya bago ang sa iyo, (sa ibang salita: bago ang Lungsod ng Papa).”
Ang Santo Papa ay ngumiti. Ang Ating Mahal na Ina ay nagsasabing:
“Maaliw, Aking anak, malapit ng lumabas ang Pransiya mula sa kanyang kabaong; ikaw din ay nakalibing sa isang puntod, ngunit ang Pransiya ay babangon muli at pagkatapos nito ay ang iyong muling pagkabuhay. Mamagitan para sa mga Pranses, tanging ang Pranses ang magliligtas sa iyo at ilang piling grupo ng mga dayuhan na kasama nila.” (sa ibang salita: ang mga kaalyado ng Dakilang Monarko).
Ang Santo Papa ay nagsalita at sinabi sa Sagradong Puso:
“Ako ay nakikiusap sa iyo, sabihin, anong mga panalangin ang dapat sabihin para sa Pransiya?”
Ang Ating Panginoon ay sumagot:
“Manalangin, pagkatapos lamang ng tagumpay, ang Sagradong Puso at Kalinis-linisang Maria ay ihahayag ang mga panalangin ng pasasalamat na iyong dapat sabihin!”
[Orihinal na Mensahe: https://thetruthful.org/2022/09/19/marie-julie-jahenny-6-december-1874/]