MENSAHE NA IBINIGAY NG BANAL NA SANTATLO
31 DISYEMBRE 2022 – 11.15 PM
MENSAHE BLG. 851
Ang Banal na Santatlo, kasama ang Ating Mahal na Ina at tatlong Seraping Anghel, ay pumarito sa mga bandang 11:15 pm. Si San Miguel ay tumayo sa aking likuran. Ang Walang Hangang Ama ay hawak ang Maharlikang Korona at si Hesus ay hawak ang Mga Susi ng Kapapahan. Ang Walang Hangang Ama ay nagsasabing:
ANG WALANG HANGGANG AMA: “Aking minamahal na anak, ngayon Aking Kokoronahan ka bilang Aking Huling Bikaryo!”
Si Hesus ay nagsasabing:
ATING PANGINOON: “Aking Hawak ang Mga Susi ni San Pedro!”
At ang Espiritu Santo ay naging mas malaki at inilagay ang Kanyang mga Pakpak sa paligid natin. Ang Walang Hanggang Ama ay nagsasabing:
ANG WALANG HANGGANG AMA: “Mula sa sandaling ito ikaw na ang Aking Huling Bikaryo!”
“Si Papa Benedikto ay pumanaw na at mananatili sa isang Banal na Lugar hanggang sa ika-6 ng Enero 2023.”
Ang Banal na Santatlo ay Pinagpala ako at Ating Mahal na Ina ay tumayo sa aking harapan kasama ang mga Anghel na nakapaligid sa akin. Mula sa sandaling iyon Ako ay naging Huling Bikaryo para sa Banal na Inang Simbahan. Ang Banal na Santatlo at ang Mahal na Ina ay Pinagpala ako.
ANG BANAL NA SANTATLO AT ANG ATING MAHAL NA INA: “Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”
MENSAHE NA IBINIGAY NG ATING PANGINOON AT ATING MAHAL NA INA
1 ENERO 2023 – 3:00 PM
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
Ito ay sa pamamagitan ng Aking Banal na Kalooban na Aking kinuha si Papa Benedikto, upang tanggapin ang kanyang gantimpala at, kasabay nito, Aking Pinasinayaan na ikaw, Aking anak, ay mailuluklok bilang Huling Bikaryo ng Banal na Inang Simbahan–Ngayon Aking hiling na hingiin sa Simbahan na Pasinayaan, nang opisyal, ang Kapistahan ng Maria Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya, Katuwang na Manunubos at Manananggol–Ito ay magiging iyong Unang Dogma para sa Banal na Inang Simbahan–Kometa-Mga Asteroid ay hindi malayo mula sa Mundo–Maraming Malalaking Lindol na susunod na: –Ikaw ay makakatanggap ng isang pagwawasto ng mga Hukuman, sa lalong madaling panahon, na magbibigay-daan sa iyo na makauwi sa tahanan.
Parehong sina Hesus at Maria ay nasa harapan ko na lahat nakaputi. Sila ay pumarito sa pamamagitan ng Puting Krus, na nakatayong napakalaki at maliwanag. Ang Aking Tatlong Anghel ng Korong Serapin ay binabantayan sila kasama si San Miguel sa kanan nila. Si San Amor Dei at San Menoloutis ay nakatayo kasunod ni San Miguel. Si San Amor Dei ay nakatayo sa ibabaw ni San Miguel, dahil sya ay isang talampakan lamang ang taas. Si Hesus ay nagsasabing:
ATING PANGINOON: “Binabati kita, Aking minamahal na Bikaryo ng Banal na Inang Simbahan: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”
Ang Ating Mahal na Ina ay pumarito at binati ako ng pareho:
ATING MAHAL NA INA: “Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”
ATING PANGINOON: “Sa Araw na ito ay isang Dakilang Araw ng Kapistahan para sa higit sa isang dahilan. Sa Araw na ito ay ang Kapistahan ng Aking Banal na Ina at ang Kapistahan ng Pagpapasinaya sa iyong sarili bilang Aking Huling Bikaryo para sa Banal na Inang Simbahan.”
“Ito ay sa pamamagitan ng Aking Banal na Kalooban na Aking kinuha si Papa Benedikto, upang tanggapin ang kanyang gantimpala at, kasabay nito, Aking Pinasinayaan na ikaw, Aking anak, ay mailuluklok bilang Huling Bikaryo ng Banal na Inang Simbahan. Bagama’t tila kakaiba sa mambabasa na Aking pinili na gawin kang Aking Banal na Bikaryo – ang Huling Santo Papa – sa gayong hindi sapat na paraan, ngunit sa paglipas ng panahon, Ang Aking Simbahan sa Lupa ay mauunawaan kung bakit kailangang maging sa ganitong paraan.”
“Ngayon ay isang Dakilang Kapistahan ng Aking Banal na Ina. Isa na maiuugnay sa iyo, Aking Banal na anak, dahil ngayon Aking hiling na hingiin sa Simbahan na Pasinayaan, nang opisyal, ang Kapistahan ng Maria Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya, Katuwang na Manunubos at Manananggol, dahil ngayon ang araw kung saan ang Tagumpay ng Aking Ina ay magsisimula, dahil ang Mga Araw ng Kadiliman sa sangkatauhan, ay tunay na magsisimula. Ito ay magiging iyong Unang Dogma para sa Banal na Inang Simbahan at mga tao sa Aking Bahay ay mauunawaan na Aking pinili ka upang maging Aking Banal na Bikaryo para sa Banal na Inang Simbahan, na magdadala pasulong ng Tagumpay ng Aking Banal na Ina, para sa sangkatauhan.”
“Marami ang hihingiin sa iyo, Aking minamahal na anak, na dalhin ang Simbahan sa pinakamahirap na panahon nito, ngunit kapag ito ay nadalisay, kung gayon ang Tagumpay ay maririnig at uugong sa buong mundo.”
“Aking Banal na anak, lakasan ang loob, dahil maraming bagay ang makikita sa taong ito. Dahil ang taong ito ay isa sa malaking pagsubok para sa Aking mga anak at magiging ikaw itong siyang gagabay at magpapalakas sa kanila. Ito ay hindi magtatagal kung kailan ang mundo ay malalaman na ikaw ang Huling Bikaryo at sila ay magtitipon sa paligid mo. Ikaw ngayon ay gagalaw pasulong ng dahandahan; gawing tuwid ang mga daan. Maging payapa, sapagkat Ako at ang Aking Banal na Ina ay palaging nasa iyong tabi.”
“Ngayon sa Dakilang Araw ng Kapistahan na ito, Aking ipagkakaloob sa iyo ang anumang kahilingang nais mo. Pinagpapala kita at ang mga nasa Banal na Inang Simbahan: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Aking hahayaan ang Aking Banal na Ina na magsalita, sapagkat Siya ay sabik na ihayag ang ilan sa mga Plano, upang ang sangkatauhan ay maging handa: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”
Ang Ating Mahal na Ina ay pumarito ng napakalapit at niyakap ako at hinalikan ako sa aking ulo.
ATING MAHAL NA INA: “Binabati kita, Aking Banal na anak, Bikaryo ng Aking Banal na Anak, si Hesukristo sa ibabaw ng Lupa. Ngayon ay isang napakaespesyal na araw para sa mundo, dahil sa Araw ng Kapistahan ng Aking Simbahan, ngunit dahil din sa Dogma, na ipinahayag sa pamamagitan mo, Aking Huling Bikaryo para sa Banal na Inang Simbahan.”
“Ang sangkatauhan ay hindi mauunawaan itong Regalo na ibinigay ni Hesus, Aking Dibinong Anak, sa inyo at sa Banal na Inang Simbahan, ngunit sa paglipas ng panahon, mauunawaan ng sangkatauhan ang mismong Pagtawag na Aking ibinigay sa sangkatauhan, dahil ikaw ang Anghel … na Aking Ipinangako sa Banal na Inang Simbahan, sa pamamagitan ng Tagakita, na si Luz de Maria (Arhentina), kung kanino Ako nagsalita tungkol sa isa na Aking ipadadala na magpapaginhawa sa Aking Simbahan sa ibabaw ng Lupa at siyang magbibigay sa sangkatauhan ng mapaginhawang kamay at ginhawa na kailangan ng mundo sa kasalukuyan.”
“Ang sangkatauhan ay nasa paanan ng matinding kalungkutan, dahil ang Kometa-Mga Asteroid ay hindi malayo mula sa Mundo, na darating palampas sa atmospera ng Mundo at magdudulot ng matinding takot at ilang pagkawasak, upang gisingin ang sangkatauhan, dahil ang elektronika ng mundo ay mahihinto at magdudulot ng maraming problema para sa sangkatauhan.”
“Ako ay nananawagan sa sangkatauhan upang manalangin ng malalim, dahil ang taon na ito ay magiging isa sa napakalungkot na panahon. Aking anak, ikaw ay makakatanggap ng isang pagwawasto ng mga Hukuman, sa lalong madaling panahon, na magbibigay-daan sa iyo na makauwi sa tahanan at sa loob ng napakaikling panahon, ang iyong kaso ay pag-aaralan at ang iyong mga paghatol ay mababaligtad at ikaw ay magiging isang malayang tao, na tumatanggap ng isang malinaw na direksyon na iyo’y hindi ginawa ang basura na inilagay ng mga Awtoridad sa iyo dalawampung taon na ang nakararaan.”
“Magkakaroon ng mga tawag mula sa Pilipinas na gusto ka nila doon at, hindi magtatagal, ikaw ay pupunta doon at bubuoin ang Bagong Vatican, sapagkat ang luma ay wawasakin ng Masamang Isa.”
“Ang Aking mga anak ay Nalilito kung bakit si Benedikto ay namatay. Una, ito ay ang Banal na Kalooban ng Aking Dibinong Anak at ikalawa, hindi nito binabago ang mga Propesiya, dahil ang lahat ay matutupad, dahil ang Papa ay tatakas sa Roma. Maraming dapat maunawaan, Aking mga anak, dahil ang mga Propesiya ay hindi pa tapos.”
“Magkakaroon ng maraming, maraming Malalaking Lindol na susunod na, ngunit ang pinakamahalagang isa ay nasa Kalipornya, ng U.S.A., Hawaii at Indonesiya, sapagkat ang lupa ay gagalaw, matamis na mga anak. Samakatuwid, Aking hinihingi sa Aming mga anak na gumalaw palayo mula sa mga Baybayin ng mga Amerika at para sa mga tao ng Hawaii na lumipat sa pangunahing-lupain at para sa mga tao ng Indonesiya na maghanap ng mas mataas na mga lugar, o lumipat sa ibang lupain, dahil kayo ay wala ng masyadong oras.
“Ang mga Australyano, rin, dapat magbago ng kanilang buhay, dahil ngayong taong ito sa maraming lugar malapit sa dagat, ay babahain ng maraming tubig, dahil magkakaroon ng mas maraming pang ulan na darating. Manalangin, mahal na mga anak, ang Aking Santo Rosaryo at ang Rosaryo ng Dakilang Awa ng Diyos, dahil inyong kailangan ng maraming panalangin.”
“Noong nakaraang linggo, Aking mga anak, si Georgette Harb ay pumunta sa Banal na Lupain, dahil si San Charbel ay nagbigay inspirasyon sa kanya, ngunit kapag kanyang napagtanto na Ako ay Nagpapakita pa rin sa Aming Bato, sa panahong iyon siya ay darating kasama ang maraming mga peregrino.”
“Manalangin, Aking mga anak, para sa Europa, dahil hindi magtatagal na kanilang mapagtanto na ang kanilang mga bansa ay sinasalakay. Ang Pransiya ay pupunta sa pakikidigma mismo at magdadala ng maraming paghihirap sa kanilang sarili at sa mga bansang kaakibat nila – sa mga kalapit na bansa.”
“Ang Gitnang Silangan ay naghahanda na atakehin ang Espanya. Manalangin, Aking mahal na mga anak. Digmaan ay sisiklab sa Aprika, dahil ang mga tao ay namamatay doon. Manalangin para sa Taywan at Hong Kong, dahil ang Tsina ay gagawa ng isang galaw sa kanilang dalawa sa lalong madaling panahon at magdadala ng digmaan.”
“Aking mga anak, ang digmaan ay isang kaparusahan para sa mga kasalanan ng tao. Manalangin, Aking mga anak, dahil ang oras ay nauubos na. Manalangin para sa isang Barko ng Karagatan, dahil isa sa kanila ang mahuhuli at marami ang mamamatay. Manalangin para sa U.S.A., dahil digmaan ay sisiklab doon sa lalong madaling panahon.”
“Aking mga anak, Aking hiling na Ako’y makapag hatid sa inyo ng mabuting balita, ngunit ang oras ay lumilipas at ang mga kaganapan ay dapat mangyari sa sangkatauhan. Aking Pinagpapala kayo: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”
“Para naman sa iyong tanong: Oo, si Nostradamus ay isang Tunay na Tagakita, ngunit ang kanyang isinulat ay maari lamang maintindihan – upang maintindihan ang ilan sa mga ito. Aking Pinagpapala ang lahat ng Aking mga anak: Sa Ngalan ng ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. At Pinagpapala kita, Aking Piniling Anak, Aking Huling Bikaryo para sa Banal na Inang Simbahan: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”
“Huwag matakot, dahil ikaw ay hindi na babalik sa lugar, ngunit ikaw ay gagalaw pasulong. Magtiwala sa Akin at sa Aking Dibinong Anak, si Hesus, dahil ikaw ang Aking Huling Bikaryo ngayon at ang Simbahan ay lubos kang kailangan. Pinagpapala kita: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”
“Mahal Kita: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”
Ang Ating Mahal na Ina ay pumaroon pabalik sa Kanyang Dibinong Anak, si Hesus.
ATING PANGINOON: “Oo, Aking anak, ikaw ang Huling Bikaryo ng Banal na Inang Simbahan.”
Sina Hesus at Maria ay nag Tanda ng Krus at sila ay umalis na.
ATING PANGINOON AT ATING MAHAL NA INA: “Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.”
N.B.: Ang lahat ng mga Obispo ay dapat mag-abiso ng anumang mga iregularidad sa loob ng kanilang mga Diyosesis.
MENSAHE NA IBINIGAY NG ATING PANGINOON KAY YELLOW LILY (TAGAKITA NG KANADA) NOONG MIYERKULES IKA-3 NG ENERO 2023
Kapistahan ng Kabanal-banalang Ngalan ni Hesus
ATING PANGINOON: “Huwag matakot! Oo, si William pa rin ang Aking Huling Bikaryo – ang pagmamalaki at asawa ng Puso ni Maria, Kapayapaan! Ikaw ay kung sino ka, tandaan, ang tanging paraan para sa mga kaluluwang pinili ng Diyos upang mabuhay ng tiyak sa tadhana kasama Niya bilang Mga Tagakita at Mistiko ng Simbahan, ay para sa kanila, sa salita o pagkilos, na hindi tanggihan at ayawan kung ano ang inaalok ng Langit, para sa ikabubuti ng mundo – hindi mo nagawa ang alinman sa mga ito, hindi, hindi ba ika’y kumapit sa iyong tungkulin at sa Puso ni Maria nang buo ng iyong sarili?”
“Kaya, Akin ngayong ipapaliwanag ang Katotohanan na siyang Propesiya na ito: Si Benedikto ay lumipad sa ibabaw at mas mataas sa ibabaw ng mga katawan ng mga Kardinal, bakit – dahil sila ay, wala at ng may kaunting pagbubukod, umalis sa Katotohanan na ang Simbahan. Walang sinumang may karapatan sa pagboto ang tumatanggi sa sabaw ni Francis. Ang mga ito, gaya ng sinasabi nito, ay mga katawan; gayundin, ang mga Awtoridad at Mga Grupo na hawak sa ilalim niya ay naayon sa mga kautusan ni Francis’ na may kaunting pag-aatubili – anumang bagay na nagnanais upang makatanggap ng sahod nito ay niyakap ng ganap, ang pagkawasak ni Francis. Ako’y nagsasalita ng matapang: sila ay mga katawan sapagkat sila ay nawala ang kanilang mga kaluluwa – kaya, karapatan. Si Benedikto ay lumipad sa ibabaw ng mga ito dahil, sa banayad na negosasyon ay kanyang sinubukan na panatilihin ang katotohanan kasama nya, kapag ito ay nahayag ang kamay na bakal ay pumasok na sa Simbahan at ladrilyo ng ladrilyo, dinurog kung ano ang mahalaga sa katotohanan nito. Ang mundo ay makikita kung paano ang lahat ng kung ano ang nangyari noon, at ang mga Kardinal na hindi tumayo at nakipaglaban para sa Akin at kay Maria, para sa buong Kalangitan at, higit na mahalaga, ang mga anak ng mundo na sa Diyos.”
“Ikaw ang Huling Bikaryo – oo, Aking anak. Bilang Puso ng Diyos, ang sugatang Puso ng Diyos ay sinaksak ng paulit-ulit, na may higit pa sa isang tulak mula sa isang espada! Ang Bayan ng Diyos ay naiwang nalilito, ang mga hindi gaanong nakakaalam ng kanilang pananampalataya, madaling nabunot at ninakawan. Si Hesus ay lumuluha, si Maria ay lumuluha, ngunit Tayo, bilang isa, ay may Plano – isang hindi mapipigilang Plano. Oo, ikaw ay Aking Santo Papa, ikaw, Aking Huling Bikaryo ay nakatitiyak – maging panatag. Alam mo na tayo ay mananalo. Naipapaliwanag ba nito?”
“Para sa mga humihiling na maintindihan ay makakaintindi. Ngayon, alam mo na rin, kung bakit ang aming mahal na anak ay binigyan lamang ng pinakamaikling paglalarawan ng kung ano ang kinomisyon sa kanya na gawin, na dahan-dahang naglalahad sa paglipas ng gayong panahon. Maging mapayapa, aking anak, Ako ay malapit sa iyo, oo, nakaluhod sa tabi mo.”
“Kapayapaan kay Benedikto; Kapayapaan sa lahat ng mga Ama sa harap niya. Wala nang natitira pang darating na hindi kilala ng katawan ng Pananampalataya. Tayo ay tiyak hindi mawasak. Maghanda para sa dakilang pagbangon mula sa mga abo para sa buong sangkatauhan. Kapayapaan, Aking kapatid; Kapayapaan.”
“Mahal ka ni Hesus nang buong Puso Niya. Amen.”
MENSAHE NA IBINIGAY NG ATING PANGINOON KAY SUSAN, (TAGAKITA NG U.S.A.) NOONG IKA-4 NG ENERO 2023
ATING PANGINOON: “Oo Aking anak, AKO ang Dakilang AKO, Ako ang Dakilang Manggagamot, ang Salitang Nagkatawang-tao. AKO ang Banal na Awa.”
“Oo. Ang Aking anak ay ang Huling Bikaryo, sa pamamagitan ng Kalooban ng Aking Ama. Siya ay binigyan ng pahintulot na simulan ang pagkukumpuni ng Aking Simbahan, ang Aking Nobya.”
“Maraming bagong paghihirap ang sasapit sa mundo ngunit sa gitna ng mga trahedyang ito, ang Aking Nalalabing Simbahan ay magpapatuloy.”
“Humayo sa Aking Kapayapaan at Pagmamahal Aking anak.”
[Orihinal na Mensahe: https://thetruthful.org/2023/01/06/message-851-31-december-2022/]