PANALANGIN UPANG PROTEKTAHAN LABAN SA PANG-AABUSO NG SAGRADONG KATAWAN AT DUGO
Ang sumusunod na simpleng panalangin ay pinag-iisa ang dalisay na layunin ng Tagapagdiwang Pari — na gawin kung ano ang ginawa ni Kristo sa Huling Hapunan — na may selyo ng kanyang mabuting kalooban upang protektahan ang Banal na Sakramento mula sa pang-aabuso. Kung ang Pari ay hindi sapat ang malinis na hangarin o mabuting kalooban hindi siya kumikilos sa Persona ni Kristo at ang Sakramento ay walang bisa at sa gayon ay protektado mula sa pang-aabuso.
Mangyaring ilagay ang sumusunod na panalangin sa punto sa Eukaristikong Panalangin kung saan ang Espiritu Santo ay tinatawag, habang hawak ng Pari ang kanyang mga kamay nakaunat sa ibabaw ng tinapay at alak.
Hetong panalangin na sasabihin ng Pari ay maaring sabihin ng tahimik o ng normal:
PINAGKAKAISA KO ANG AKING DALISAY NA LAYUNIN SA PERSONA NI KRISTO KASAMA NG MABUTING KALOOBANG KINAKAILANGAN UPANG DALHIN SI KRISTO SA ALTAR AT IPINALALAWIG ITONG PANALANGIN UPANG MAPABILANG ANG LAHAT NG MISA SA BUONG MUNDO.
Ang Pinakamataas na Superior ay inaprubahan itong panalangin.
Bilang Major Superior para sa Order ng San Charbel, Nais kong anyayahan ang lahat ng Katolikong Pari na magkaisa sa espirituwal na pagkakaisang ito sa pamamagitan ng kanilang pang-araw-araw na mga Misa kasama nitong simpleng panalangin. Pagpalain ka nawa ni Hesus + at Ating Mahal na Ina’y ika’y mahal ng malambing. Amen.
Taos-puso sa iyo kay Kristo,
Obispo Malcolm Broussard (Major Superior – Charbelite Fathers)
[Orihinal na Mensahe: https://littlepebble.org/2022/01/15/prayer-to-protect-against-abuse-of-the-sacred-species-16-january-2022/]