Isang Panawagan sa Panalangin para kay William Costellia
WILLIAM COSTELLIA NASA BILANGGUAN
Noong 15 Nobyembre 2021, si William ay naarestong muli. Siya ay kinasuhan ng paglabag sa kanyang mga paghihigpit sa social media. Siya ay inosente sa alegasyon na ito. Ang kanyang Legal na pangkat ay tinatrabaho ang sitwasyong ito. Si Hesus at Maria ay pumupunta sa kanya ng madalas, ngunit siya ay nagdurusa dahil sa sobrang kasamaan sa Sistema ng Hustisya.
Noong si San Pedro ay nasa Bilangguan — ang buong Komunidad sa Jerusalem ay nasa patuloy na panalangin para sa kanilang Bikaryo ni Kristo. Pinalaya siya ng Diyos upang tuparin ang kanyang misyon bilang Santo Papa Pedro I. Ngayon na ang panahon para manatiling kaisa sa mga panalangin kasama si Santo Papa Pedro II na nasa bilangguan. Ang Ina ng Diyos ay inaabot ang Kanyang mga anak, upang tulungan siya. Ang kanyang maliit na anak ay tumutulad ng sa isang magandang rosas, na (sa loob ng maraming taon) ay tinanggalan ng talulot ng lahat ng kanyang panlabas na sangkatauhan. Sa mundo, si William ay hayagang hinahamak at pinagiisipan na siya ang pinakamalaking makasalanan. Maging ang mga marahas na kamay ay ibinabato sa kanya. Sino ang kailanman mag-iisip na hanapin ang propeta ng Diyos sa isang Bilangguan. Gayunpaman, ipinagtanggol ng Diyos ang Kanyang propeta sa bawat pagkakataon. Ang ating Panginoon ay inilagay ang isang malaking bahagi ng kasamaan ng mundo sa kanyang mga balikat. Ang hinirang ng Diyos na nagdurusang lingkod – ay itinadhana na maging Huling Bikaryo ni Kristo. Siya ngayon ay lubos na nakikilala kay Kristo, na si Kristo ang nabubuhay sa kanya. Si William ay nakikibahagi sa misteryong gawain ng Pagtubos ni Kristo. Nakapagtataka ba na ang Ina ng Diyos, ay tumatawag sa atin upang tulungan siya?
Sipi mula sa Mensahe 845 – 16 Hulyo 2022
ATING MAHAL NA INA: “Binabati kita, Aking minamahal na anak ng predileksyon, William, mahal Ko, ang iyong Makalangit na Ina at Pinagpapala kita, Aking mahal na anak, panghinaharap na Bikaryo ng Aking Banal na Anak na si Hesus at ng Kanyang Banal na Simbahan sa Lupa. Aking banal na anak, na siyang naghihintay kay Hesus na palayain siya mula sa mga tanikala na humahawak sa kanya sa bilangguan ng kasamaan. Maging mapayapa, dahil itong pagkakakulong ng Aking mahal na anak ay matatapos na sa lalong madaling panahon, dahil lahat ng kanilang inilagay sa iyo, na labag sa batas at makasalanan, ay ibabagsak na sa nalalapit at ang mga may masamang kalikasan at mga intensyon ay makikita kung ano ang ibig sabihin ng pag gamit ng sistema upang ibaling ang mga kaluluwa laban sa kabutihan. Huwag matakot, Aking anak.”
“Ang Australya ay makakatanggap ng maraming mga pagkastigo laban sa lupain at sa mga tao nito at mauunawaan nila kung ano ang kanilang idinulot laban sa Aking anak, na magpapabalik sa sangkatauhan na pag-isipang mabuti kung bakit sila nagdulot ng labis na pagdurusa sa iyo. Magkakaroon ng mas maraming mapangwasak na baha at ang Sydney ay masisira, dahil ang lupain ay maghahati at dadalhin ang mga malalaking monumento sa pagkasira. Ang lungsod ay babagsak at ang Tulay ng Harbour ay babagsak kasama ng Teatro ng Opera at maraming tao ang mamamatay at ang mga awtoridad ay darating sa paniniwala at mauunawaan kung ano ang kanilang ginawa sa iyo.”
[Tingnan ang buong mensahe: https://thetruthful.org/2022/07/31/message-845-in-tagalog-16-july-2022/]
[Orihinal na Mensahe: https://thetruthful.org/2022/10/13/a-call-to-prayer-for-william-costellia-13-october-2022/]