Message about Recipe against deadly Flu-like Illness (in Tagalog) – 27 January 2022

Mensahe tungkol sa Recipe laban sa nakamamatay na Parang-trangkasong sakit – 27 Enero 2022

Mensahe na natanggap ng Little Pebble noong 1986

[See Link: https://thetruthful.org/1986/12/22/message-125-4-november-and-22-december-1986/]

Sipi mula sa Mensahe 125 tungkol sa Parang-trangkasong sakit:

ATING PANGINOON: “Tungkol sa Hawthorn bush: maaari itong gamitin sa anumang anyo na ginawa. Ito rin, ay isinasama sa luya at bawang upang labanan ang impluwensya ng trangkaso, na nakamamatay para sa marami.”

Sinabi ng Ating Mahal na Ina kay Brother Joseph Francis (Canada) noong Oktubre, 1986, na ang Ating Panginoon ay malapit nang magpadala ng isang ‘Parang-trangkasong sakit’ na magdudulot ng maraming, maraming, pagkamatay. Ang sakit na ito ay nakakaapekto sa baga at puso. Ang Ating Mapagmahal na Ina ay nagbigay nitong payo:

ATING MAHAL NA INA: “Sa isang tasa, durugin ang kalahating malaki, at sariwang, sibuyas ng bawang at ilang hiwa ng sariwang ugat ng luya. Magdagdag ng isang kutsara ng lemon juice at isang kutsarita ng pulot. Ibuhos ang kumukulong tubig sa tasa at hayaan ang pinaghalo na manatili nang hindi bababa sa limang minuto. HUWAG IPAKUKULO ULIT! Uminom ng ganitong paghahanda araw-araw – halos isang oras bago matulog. Kung ang mga sintomas ay nakikita na, gawin ito ng tatlong beses sa isang araw. Ang bawang na tableta o kapsula mula sa isang tindahan ng pagkain sa kalusugan ay maaaring ipamalit kung ang isay hindi makakainom ng sariwang bawang. Kung ang bawang ay tila nasa hininga ang isa’y dapat kumain ng ilang munting sanga ng sariwang perehil.”

Ang Payong ito ay mula sa Ina ng Dibinong Manggagamot. Pagpalain ka nawa ng Ating Panginoon; at nawa’y protektahan ka ng Ating Mahal na Ina na Kagalingan ng mga Maysakit. (Mangyaring ipaalam sa iba itong payo.)


[Orihinal na Mensahe: https://thetruthful.org/2022/01/27/message-about-recipe-against-deadly-flu-like-illness-27-january-2022/]